Tuluyan nang tinuldukan ni eight-division world titlist Manny Pacquiao ang usapin hinggil sa kanyang pagsabak sa Rio Olympics nang ipahayag ang pormal na pagtanggisa alok ng International Boxing Federation (AIBA).

Batid na ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) Executive Director Ed Picson ang desisyon ni Pacquiao kaya lalahok na lamang ang ilang boksingerong may potensiyal na makapasok sa Final Olympic Qualifiers na magsisimula sa Hunyo 11, sa Baku, Azerbaijan.

“ABAP respects Sen. Manny’s decision and wishes him well in his work in the Senate,” sabi ni Picson.

Matatandaang naglaan ng wild card entry ang IABA para kay Pacman matapos buuin ang planong payagan ang pro boxer na sumabak sa Rio Games sa Agosto 5-21.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Sina light flyweight Rogen Ladon at lightweight Charly Suarez pa lamang ang kuwalipikadong lumahok sa Rio Olympics at ipapadala ng ABAP sa Final Olympic Qualifiers sina flyweight Ian Clark Bautista, bantamweight Mario Fernandez, at welterweight Eumir Marcial. (Gilbert Espena)