jaclyn copy

KUNG nag-aalburoto ang Noranians sa pagkakapanalo ni Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival, tuwang-tuwa naman ang Vilmanians.

Si Jaclyn kasi ang first Filipina actress na nakapag-uwi ng best actress mula sa Cannes na sa totoo lang ay kung ilang beses na rin namang sinalihan at inaasam-asam ni Nora Aunor.

Ilang indie movies na rin ang ginawa ni Nora na madalas sabihing panlaban daw sa Cannes pero, as always, laging umuwing talunan ang aktres.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi maikakaila na ilang international awards na rin ang naiuwi ni Nora mula sa iba’t ibang filmfest abroad.

Ang kuwentuhan ng mga kaibigang Vilmanians, si Ate Vi raw ay minsan lang gumawa ng indie movie, ang Ekstra, pero hindi lang umani ng karangalan here and abroad kundi naging box office hit pa.

“Hindi na kasi kaya ni Ate Vi na maglalagare ng pelikula. May mga priorities kasi siya. Isa na siyempre ‘yung pagiging public servant niya. Kaya one movie every two years lang siya,” sey ng aming kaibigang si Jojo Lim, ang presidente ng Vilma Santos Solid Internation (VSSI).

Aniya pa, hindi na mabilang ang mga tinanggihang indie movie ni Ate Vi. Pati na nga raw ang award-winning na si Direk Brillante Mendoza ay may mga script na inilatag kay Ate Vi na gusto man niyang gawin ay walang maibigay na panahon ang actress/politician.

“Basta kami tuwang-tuwa sa pagkakapanalo ni Jaclyn Jose sa Cannes, at least isang malaking karangalan ‘yun para sa ating lahat and one more thing isang Vilmanian ‘yan,” sey pa ng kausap namin. (JIMI ESCALA)