SEOUL, South Korea (AP) – Nagbanta kahapon ang North Korea na aatakehin ang mga barkong pandigma ng South Korea kapag tumawid ito sa pinagtatalunang western sea border, isang araw matapos magpakawala ng warning shots ang hukbong-pandagat ng South upang itaboy ang dalawang barko ng North.

Sa pahayag na inilabas sa pamamagitan ng state media, inilarawan ng General Staff ng Korean People’s Army (KPA) ng North Korea ang aksiyon ng South bilang “reckless military provocation” na sumisira sa tsansang makapag-usap at magkaunawaan ang dalawang nabanggit na bansa.

Sinabi ng KPA na hindi armado ang dalawang barko ng North na itinaboy ng South Korean navy.

Internasyonal

'God saved my house' Bahay ng isang lalaki sa LA, hindi natupok ng wildfire