TORONTO (AP) — Kasama ng Raptors ang home crowd. At ito ang gagamiting bentahe ng Toronto sa kanilang pagharap sa Cleveland Cavaliers sa krusyal na Game Six ng Eastern Conference best-of-seven sa Biyernes ng gabi (Sabado ngayon sa Manila).

Naghahabol ang Raptors sa 2-3 at tatangkain nilang maipuwersa ang Game Seven.

Nakuha ng Cavaliers ang bentahe para sa ikalawang sunod na NBA Finals nang pulbusin ang Raptors, 116-78, sa Game Five nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Ratsada ang balik sa pormang si Kevin Love na kumana ng 25 puntos, habang umiskor ng tig-23 puntos sina LeBron James at Kyrie Irving sa Game Five kung saan umabante ang Cavs sa pinakamalaking 43 puntos na bentahe.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ngunit, hawak ng Raptors ang bentahe sa home court. Nagwagi ang Raptors sa Air Canada Center sa Game Three at Four para maitabla ang serye sa 2-2 at putulin ang playoff run ng Cavaliers.

“We’ve got to play the same way we played the two home games we’ve had so far,” sambit ni Raptors guard Kyle Lowry, nalimitahan sa 5-of-12 shooting sa Game Five.

“That’s all we can do. Can’t worry about the road. We might not get a chance to go back on the road if we don’t play the right way tomorrow,” aniya.

Kumpiyansa rin ang kasangga niyang si DeMar DeRozan na magiging mas matibay ang Toronto sa harap ng home crowd.

“I don’t know why we get so comfortable once we put ourselves in a tougher situation,” sambit ni DeRozan. “We’ve been doing it all year and we always bounce back. I think we just thrive off adversity.”

Mas matibay ang Raptors sa pagbabalik ni center Jonas Valanciunas, nagtamo ng pinsala sa kanang paa noong Mayo 7. Sa Game Five, umiskor si Valanciunas ng siyam na puntos sa 18 minutong paglalaro.