Tumitindi ang aksiyon sa 2016 World Slasher Cup-2 8-Cock Invitational Derby sa paghaharap ngayon ng mga dating kampeon sa 2-cock semi-finals sa Smart Araneta Coliseum.

Sina Gov. Claude Bautista, Gov. Eddie Bong Plaza, Patrick Antonio, Dicky Lim, Peping Ricafort, Cito Alberto, Joey delos Santos, and Biboy Enriquez – mga dating WSC champion – ay magbabanggaan para sa puntos na kailangan upang makaabante sa pre-finals.

Wala namang sasantuhin si reigning WSC-1 champion Engr. Sonny Lagon at si Charlie “Atong” Ang, dalawa sa mga pinakamalakas na kalahok, upang isulong ang kani-kanilang kampanya para sa titulo.

Ang mga kilalang sabungero naman, kabilang sina Ricky Magtuto, Paolo Malvar, Ricoy Palmares, Mike Romulo, at Pol Estrellado, ay may banta ring idomina ang semi-final round ngayong araw.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ang mga entries na nagtapos sa elimination noong Huwebes na hindi makapuntos ay maaari pang lumaban ngayong araw.

Magsisimula ang maaksiyong labanan sa pagitan ng mga world-class na sasabungin ganap na 10:00 ng umaga para sa semis ng unang set ng mga kalahok. Ang mga nag-elims noong May 27 ay maghaharap naman ulit bukas.

Ang 4-cock pre-finals ay nakatakda sa Mayo 30-31, habang ang pinakaaabangang grand finals ay sa Hunyo 1.

Saksi sa prestihiyosong labanang ito ang Supersabong, SabongTV, Sabongnation, Chicken Talk, Bakbakan Na, Gamefowl Magazine, Bagong Sabungero, Cockfights Magazine, Sabong Star, Fightingcock Magazine, at Cockpihan – Usapang Sabong sa Radyo.

Ginaganap sa paanyaya ng Pinatakasi of Champions, ang 2016 World Slasher Cup-2 ay suportado ng Thunderbird Platinum, Thunderbird Bexan XP, Petron, Bmeg, at Manila Broadcasting Company.