Nananatiling walang talo ang reigning UAAP juniors champion National University matapos padapain ang Mapua, 75-69, kahapon sa pagpapatuloy ng 2016 Fil- Oil Flying V Preseason Premier Cup sa San Juan Arena.

Nagtala ng tig-18 puntos sina Rhayyan Amsali at UAAP Mythical Team member John Lloyd Clemente upang pangunahan ang Bullpups sa pagngata ng ikaapat na sunod na panalo.

Mainit ang simula ng Bullpups ni coach Jeff Napa na umabante sa 26-13 sa first period at 46-31 sa halftime.

Sa kabilang dako, nagtapos namang topscorer para sa Red Robins si Florencio Serrano na nagposte ng 14 na puntos at pitong rebound.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Dahil sa kabiguan, nabaon ang Red Robins sa barahang 1-3. (Marivic Awitan)