Brad Pitt at ang batang tinulungan copy

NAGING bayani na naman si Brad Pitt. Iniligtas ng Hollywood actor ang isang batang babae na napagitna sa nagkakagulong nanonood sa kinukunang bago niyang drama film na Allied, sa Canary Islands nitong Lunes.

Ang hubby ni Angelina Jolie at ama ng kanilang anim na anak, 52, ay nakunan ng camera habang kumakaway at nagpapalipad ng halik sa naghuhumiyaw na mga manonood. Siya ay napahinto sa harap ng batang babae na naiipit ng mga tao at naitulak sa barikada. Sinabihan ni Pitt ang mga tagahanga sa umurong at bigyan ng espasyo ang bata.

Hindi lang doon natatapos ang kabutihang ginawa ni Pitt. Sa video, namataan ang War Machine star na dinadamayan ang isang batang umiiyak. Nang iangat ito ng mga bodyguard mula sa barikada, ang Oscar-winning actor ay patuloy sa paghaplos sa likod ng bata at pinatatahan ito hanggang sa dumating ang medics upang ito ay masuri.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Suot ni Pitt ang kanyang costume nang maganap ang insidente. Ang aktor, na bida sa pelikula kasama sina Marion Cotillard, Lizzy Caplan at Matthew Goode, ay gumaganap bilang French-Canadian spy sa Robert Zemeckis–directed thriller.

Ipapalabas ang Allied sa mga sinehan sa Nobyembre 23, 2016. (US Weekly)