Mayo 28, 1871 nang matagumpay na mabuwag ng tropa ng French government ang Paris Commune sa France. Tinalo ng nasabing tropa ang Communards, na nagtayo ng mga barikada sa iba’t ibang kalsada at sinunog ang mga pampublikong istruktura.

Nagsimula ang Paris Commune noong Marso 18, 1871, matapos mabuwag ang Second Empire at matalo ang France sa Franco-German War. Naniwala ang mga Republican Parisian na ibabalik ng noon ay National Assembly convention ang monarkiya.

Tinangka ng pinuno ng Provisional French government na si Adolphe Thiers na disarmahan ang National Guard na karamihan ay obrero.

Ipinagbawal ng Commune ang pagtatrabaho ng gabi sa mga panaderya, ipinatupad ang paghihiwalay ng simbahan at estado, at binigyan ng karapatan ang mga empleyado na mangasiwa ng negosyo.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Aabot sa 750 tropa ng gobyerno at 20,000 rebelde ang namatay, at 38,000 manggagawa ang inaresto. Gayunman, ikinonsidera ni Karl Marx at ng iba pang nagsusulong ng komunismo ang Commune bilang huwaran ng isang patas na pamahalaan.