BOGOTA (AFP) - Pinakawalan nitong Biyernes ng Colombian rebel group na ELN ang isang kilalang Spanish-Colombian journalist at dalawang local TV reporter matapos bihagin nang ilang araw.

Kinumpirma ng Spanish-Colombian correspondent na si Salud Hernandez-Mora, na dinukot siya ng communist guerrillas ng National Liberation Army (ELN) at pinasalamatan ang Simbahang Katoliko sa pangangasiwa sa pagpapalaya sa kanya.

Dalawa pang reporter ng Colombian TV network na RCN ang pinalaya, pagkukumpirma ng RCN sa Twitter.

Si Hernandez-Mora, na nagtatrabaho sa Spanish newspaper na El Mundo at El Tiempo ng Colombia, ay nawala simula pa noong Sabado habang nag-uulat sa isang rehiyon sa hilaga-silangang Colombia na kontrolado ng mga grupong guerrilla at drug traffickers.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina