Isang lalaki at isang babae ang nahaharap ngayon sa syndicated estafa matapos maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes dahil sa pagkakasangkot sa isang investment scam sa Baguio City.

Ayon sa mga report, dinakip ng mga operatiba ng NBI sina Romylle Batolne-Lau at Claire Batolne, ng Satarah Wellness Marketing, sa isang resort sa Anda, Pangasinan.

Agad naman silang dinala sa NBI-Baguio upang kasuhan ng syndicated estafa matapos umanong magkamal ng halos P1 bilyon sa loob lang ng tatlong taon.

Sinabi ng awtoridad na tumanggap din umano ang mga suspek ng P150 milyon mula sa Rural Bank of Bugias sa Mountain Province.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa NBI, nahimok ng mga suspek ang mga investor matapos pangakuan ang mga ito na 20 porsiyento ng kanilang investment ang babalik sa kanila sa loob ng anim na buwan.

Nangangamba naman ang awtoridad na posibleng nakaalis na sa bansa ang utak ng scam na si Wing Pan Henrich Lau. (Argyll Cyrus B. Geducos)