Dalawang basurero ang natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Zaragosa Compound, Barangay Palico IV, Imus, Cavite, kamakalawa ng umaga matapos umanong pagsasaksakin ng kanilang kainuman.

Kinilala ng pulisya ang dalawang napatay na sina Abundio C. Cantilla at isang “Mamen”, na kapwa nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Natagpuan ng mga residente ang duguang bangkay ng dalawang biktima sa isang bakanteng lote sa Zaragosa Compound, dakong 7:30 ng umaga nitong Huwebes at agad ipinabigay-alam sa pulisya.

Agad ding naaresto ng awtoridad si Eric Reyes Catubig, 31, na itinurong nasa likod ng pananaksak.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Batay sa salaysay ng isang residente, nakita niyang nagbabangayan ang dalawang biktima at si Catubig habang nag-iinuman ilang oras bago natagpuang patay ang una.

Nang isailalim sa imbestigasyon, napansin ng pulisya na may mga pasa rin sa katawan si Catubig na indikasyon na napasabak ito ng suntukan sa dalawang biktima. (Anthony Giron)