KALIBO, Aklan - Aabot sa 15 sa 17 bayan sa Aklan ang inaayos na para magkaroon ng libreng WiFi access, ayon sa bagong tatag na Informations and Communications Technology Office o ICTO.

Base sa dokumentong ipinagkaloob ng opisina ng ICTO sa Kalibo, aabot sa 130 lugar sa 15 bayan sa Aklan ang kakabitan ng libreng WiFi access.

Tanging ang mga bayan ng Kalibo at Malay, kasama na ang isla ng Boracay, ang hindi prioridad na mabigyan ng libreng WiFi dahil ikinokonsiderang first-class municipalties ang mga ito. Ang mga second-class pababa lamang ang bibigyan ng WiFi access.

Magagamit ang libreng WiFi sa mga munisipyo, municipal park, rural health unit, at pampublikong eskuwelahan, at inaasahang maisasakatuparan bago matapos ang 2016. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente