Mayo 27, 1703 nang itatag ni noon ay Czar Peter I (o “Peter the Great”) ang lungsod ng St. Petersburg sa Russia, matapos masiguro ang tagumpay sa Great Northern War.
Mismong siya ang nagdesisyon sa lokasyon ng lungsod, at ginamit ang batong pundasyon para sa Peter Paul Fortress.
Ayon sa alamat, naglalakbay si Peter I at ang kanyang mga kasamahan sa iba’t ibang isla, at habang patungo sa Neva Delta ay nakita ni Peter I ang isang agila na lumipad sa ibabaw niya pagdating niya sa isla ng Zaychiy Ostrov.
Itinuring itong magandang pangitain.
Bago ang 1700s, nangarap si Peter I na magtatag ng lungsod na may istilong European. Ngunit ang mga nakatayong istruktura sa St. Petersburg ay simple lamang noon. Pinamunuan ni Peter I ang iba’t ibang socio-economic at cultural reforms na ginaya niya sa Western European.