PARIS (AP) — Sa ikalawang sunod na laro, sumabak si No.2 seed Andy Murray sa “unheralded” na karibal. At sa ikalawang pagkakataon, nangailangan siya ng ibayong sigla at lakas para makasalba sa five-setter match.

Umusad ang British tennis star sa third round matapos ang come-from-behind, 6-2, 2-6, 4-6, 6-2, 6-3 panalo kontra kay French wild-card entry Mathias Bourgue.

“I lost my way on the court today,” pahayag ni Murray, patungkol sa 16 na sunod na kabiguan sa set point.

“I need to go and rest. It’s been a tough, tough few days,” aniya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa nakalipas na pitong oras, sumagupa si Murray sa 10 sets ng laban.

Umabot din sa limitasyon ang opening day match niya kontra sa 37-anyos na qualifier na si Radek Stepanek 3-6, 3-6, 6-0, 6-3, 7-5.

Kahanga-hanga ang ipinamalas ng 22-anyos at world 164th na si Bourgue na sumabak sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang career sa major tournament.

Nakalinya kay Murray si No. 27 Ivo Karlovic, umiskor ng 41 aces sa panalo kontra Australian wild-card entry Jordan Thompson 6-7 (2), 6-3, 7-6 (3), 6-7 (4), 12-10 at sa edad na 37, tinanghal na pinakamatandang manlalaro na nakaabot sa third round ng major mula nang magawa ni Jimmy Connors noong 1991 US Open.

“It’s the only time when being old is OK,” sambit ni Karlovic.

Tangan ni Murray ang 6-0 bentahe sa head-up duel laban sa 6-foot-11 (2.11-meter) na si Karlovic.

“Physically, the average rally length will only be a few shots — maybe three, four shots max. So that’s a positive there,” pahayag ni Murray.

Umusad naman ang iba pang top seed sa magaan na pamamaraan tulad nina defending champion Stan Wawrinka, No. 5 Kei Nishikori, No. 8 Milos Raonic, No. 15 John Isner at No. 23 Jack Sock. Sa women’s single, umusad sina No. 2 Agnieszka Radwanska, No. 4 Garbine Muguruza, No. 10 Petra Kvitova, No. 11 Lucie Safarova, at No. 19 Sloane Stephens.