Ayon sa mga magulang, mas matindi ang stress na nararamdaman ng kanilang mga anak na babae kumpara sa mga anak na lalaki, inihalimbawa ang mga sanhi tulad ng mga pagsusulit at poor body image, base sa lumabas na survey ng WebMD.
Bagamat lahat tayo ay nakararamdam ng tensiyon, tinataya ng mahigit sa kalahati ng mga magulang (54%) ang stress ng kanilang mga anak mula moderate hanggang high level, ayon sa survey ng 579 na magulang ng 13 hanggang 17 taong gulang.
At halos one-third ng mga magulang (28%) ang nagsabi na ang kanilang anak ay malungkot o depressed, at napag-alaman na mas mataas ang stress ng mga babae (32%) kaysa mga lalaki (24%).
”Stress is inevitable,” ani Kenneth Ginsburg, MD, MSEd, pediatrics professor sa The Children’s Hospital sa Philadelphia. Ngunit, aniya, “the choices (teens) make to react to stress will determine their health and well-being for a lifetime.”
Mas nagsasabi ang mga babae sa kanilang mga magulang na sila ay stressed (58% vs 45%).
Signs of Teen Stress
Mas tinaasan ng mga magulang ang level ng mga babae nilang anak pagdating sa iba’t ibang behavior na maaaring senyales ng stress. Kabilang sa mga red flags na ito ang mga sumusunod:
•Physical symptoms gaya ng pananakit ng tiyan, sakit ng ulo, at pananakit ng dibdib (44% para sa mga babae, 31% para sa mga lalaki).
•Sadness o depression (32% vs. 24%)
•Problema sa pagtulog (31% vs. 29%)
•Palaging pressured, hassle, at nagmamadali (31% vs. 28%)
•Anxiety o panic attacks (25% vs. 17%)
Malinaw kung bakit nasabi ng mga magulang na mas stressed ang mga babae nilang anak, ayon kay WebMD medical editor Hansa Bhargava, MD.
“It could be that girls are more likely to show outward signs or to express that they’re stressed. Boys may also be more likely to internalize their stress and not express it. The key for parents is to keep communication lines open and talk to their teens often, regardless of whether they’re boys or girls.” (WebMD)