Gardo Versoza A1 copy

BREATHER para kay Gardo Versoza na dalawang comedy serye ang ginagawa niya ngayon sa GMA-7. Una ang naughty-romantic serye na Juan Happy Love Story kasama sina Dennis Trillo at Heart Evangelista. Pangalawa ang sitcom na A1 Ko Sa ‘Yo with Cannes Best Actress Jaclyn Jose.

“Nagkasunud-sunod din kasi noon ang ginawa kong drama, kaya tamang-tama naman na magpapatawa ako ngayon,” sabi ni Gardo nang mainterbyu namin sa presscon ng A1 Ko Sa ‘Yo earlier this week.

“Nakakatuwa na magkaiba naman ang character ko sa dalawa kong ginagawa. Sa Juan Happy Love Story, maunawain akong tatay ni Happy (Heart) pero hindi ako papayag na aapihin lang siya ni Juan (Dennis) dahil mahal na mahal ko ang anak ko. Madalas kaming magtalo ng asawa kong si Isay (Lotlot de Leon) dahil masyado siyang mahigpit kay Happy.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Dito naman sa A1, isa akong marriage counselor pero pagdating sa amin ng asawa kong si Digna, hindi ko maibigay sa kanya ang romance na gusto niya. Matalino ako, good provider kay Digna, pero iyon nga lagi siyang naghahanap ng romansa sa akin na lagi kong iniiwasan. 

“Maraming twists sa bawat episode dahil marami kaming bumubuo sa cast plus may mga special guests pa kami. Like sa pilot episode namin sa Thursday, June 2, guest namin si Lovi Poe.”

Wala raw naman siyang problema kay Jaclyn dahil matagal na silang magkakilala pero madalas na sa TV lang sila nagkakatrabaho.

“Hindi pa kami nakagawa ng movie na magkasama. Dapat may gagawin kaming movie noon, hindi natuloy, kahit kay Direk Brillante Mendoza may gagawin kaming indie film pero hindi ko alam kung bakit hindi iyon natuloy.”

Bukod sa dalawang serye ngayon ni Gardo, may pinagkakaabalahan din pala siyang home business -- ang pagluluto ng iba’t ibang putahe ng itik tulad ng adobo, kare-kare, kaldereta, at pinahigang bibe.

“May biker group kasi ako na nagbibigay ng tulong sa mga matatanda sa home for the aged. Kaya iyong mga bikers na walang work, sila ang pinagdi-deliver ko ng mga order sa akin. Ako lang ang nagluluto, kumukuha ako ng mga itik sa Angono. Hindi ko pwedeng ipagkatiwala ito sa iba dahil baka maiba ang lasa.”

Paano kung may gustong mag-order sa kanya?

“Sa Facebook lang sila mag-order sa Cupcake Bikers 143.”

Samantala, simula sa June 2 (at tuwing Huwebes), 10:00 PM, mapapanood na ang pilot episode ng A1 Ko Sa ‘Yo. Ang koreanovelang ipinalalabas sa kaparehong time slot ay magiging Lunes hanggang Miyerkules na lamang, pagkatapos ng Juan Happy Love Story. (NORA CALDERON)