ISE-SHIMA (AFP) – Sinabi ng mga lider ng Group of Seven advanced democracies noong Biyernes na nababahala sila sa tumitinding tensiyon sa karagatan sa Asia at nanawagan na resolbahin ang mga pagtatalo nang hindi gumagamit ng puwersa.

‘’We are concerned about the situation in the East and South China Seas, and emphasize the fundamental importance of peaceful management and settlement of disputes,’’ pahayag nila sa pagtatapos ng dalawang araw na summit, ngunit umiwas na magbanggit ng pangalan ng alinmang bansa.

Umiinit ang tensiyon ng mga magkakaribal sa pag-aangkin sa South China Sea, isang mahalagang bahagi ng tubig na dinaranan ng mga barko ng kalakal ng mundo at inaangkin nang buo ng China.

Nakakairingan din ng China ang G7 host na Japan kaugnay naman sa mga isla sa East China Sea, na nagbunsod ng

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

pangamba sa lumalakas na kapangyarihan nito sa rehiyon at mga banta na sususportahan ng puwersa ang mga pag-aangkin, kung kinakailangan.

Binigyang-diin ng G7, binubuo ng United States, Japan, Britain, France, Germany, Italy at Canada, na ang pag-aayos sa mga iringan ay dapat na maging ‘’peaceful’’ at igagalang ang ‘’freedom of navigation and overflight’’.