Sinabi ni incoming president, Davao City Mayor Rodrigo Duterte na humingi siya ng paumanhin kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau kaugnay sa pagpugot ng mga militanteng Muslim sa isang bihag na Canadian sa lalawigan ng Sulu.

Ibinunyag ni Duterte sa mga mamahayag nitong Huwebes na tumawag si Trudeau nitong Martes para batiin siya sa kanyang pagkapanalo sa eleksiyon.

“I said ‘Mr. Prime Minister, please accept my apologies for the incident,’” sabi ni Duterte sa mga mamamahayag sa Davao. “We will try our very best and see to it that nothing of this sort will happen again, and you can rest assured that when the time comes, we will be able to apprehend the criminals and exact justice.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pinugutan ng mga militanteng Abu Sayyaf si John Ridsdel noong Abril 25 sa Sulu matapos pumaso ang ibinigay nilang deadline para sa P300 million ransom kapalit ng paglaya ng dayuhan. (AP)