LOS ANGELES (AFP) – Sinabi ng iconic home ni Mickey Mouse nitong Miyerkules na hindi na ito mag-iimprenta at magbebenta ng kanyang kinagigiliwang currency, ang Disney dollar, na nagbunsod ng buying frenzy sa mga kolektor.

Ang natatanging perang papel, tampok ang iconic characters at nilagdaan ng treasurer na si Scrooge McDuck, ang perang ginagamit sa loob ng Disney universe simula nang ipakalat ito noong 1980s.

Si Mickey ay tampok sa dollar bill habang si Goofy ang nasa $5 at si Minnie Mouse ang nasa $10. Tampok din sa pera ang marami pang cartoon favorites, kabilang na sina Cinderella, Dumbo at Sleeping Beauty.

Sinabi ni Disneyland spokeswoman Suzi Brown na napagdesisyunan nila ito sa harap ng pagtaas ng popularidad ng gift card scheme ng kumpanya, idinagdag na tatanggapin pa rin ang mga umiikot na Disney dollars hanggang sa hindi pa mabatid na petsa.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina