Ipaglalaban ng bagong pamunuan ng ASEAN Chess Confederation (ACC) sa mga namumuno sa South East Asian Games Federation Council at Asian Games Federation na gawing permanenteng event ang chess sa SEAG at Asian Games.
Ito ang isiniwalat kahapon ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at Grandmaster Jayson Gonzales matapos ipaalam ang nalalapit na pagpupulong ng ACC kung saan tatlong Pilipino ang opisyal na nahalal na liderato sa ginanap na special meeting sa Singapore.
“One of the agenda in the meeting is to convinced the SEAGFC and the Asian Games Council for chess to become a regular event in the SEA and Asian Games,” sabi ni Gonzales, dadalo sa pulong bilang isa sa apat na bagong halal na vice president ng ACC.
Pinakauna sa hakbang ay ang maisama ang chess sa SEAG partikular na sa darating na ika-29 na edisyon sa Kuala Lumpur, Malaysia sa 2017.
Ang tatlong nahalal sa opisyales sa ACC ay sina National Chess Federation of the Philippines president chairman at newly elected Surigao First District Rep. Prospero Pichay, Jr. bilang bagong pangulo, NCFP executive director Grandmaster Jayson Gonzales na VP at deputy secretary general na si Romualdo Dumuk.