NANANAWAGAN ang government authorities at environmentalists na mas paigtingin ang kamuwangan ng publiko sa blue whales (Balaenoptera musculus) na tatlong beses na namataan sa katubigan ng Negros Oriental, ayon sa ulat ni Judaline F. Partlow ng Philippines News Agency (PNA).

Ang baleen whale ay namataan malapit sa baybayin sa pagitan ng bayan ng Dauin, Bacong, at Dumaguete City simula noong Lunes.

Nitong Martes, ito ay namataan ng lima hanggang anim na beses ng isang grupo na binubuo ng 20 katao, sa pangunguna ng environmentalist at dive shop owner at dive tour operator na si Harold Biglete, sa Dauin at Bacong.

Inatasan ni Biglete ang kanyang grupo, kabilang ang tauhan mula sa Negros Oriental Tourism Office, ang Bantay Dagat at mismong si Partlow, na antabayanan ang katubigan ng Dauin at Bacong upang idokumento ang mga aktibidad ng blue whale.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nasilayan ito sa iba’t ibang lugar ngunit karamihan ay sa baybayin, naglalabas ng hangin sa pamamagitan ng blowhole nito ilang minuto bago sumisid sa tubig, at muling makikita sa ibang parte ng dagat.

Nitong Miyerkules, muling nagtungo sa dagat si Biglete gamit ang kanyang 27-talampakang dive boat, ang MBCA Rosefel 2, at sa pagkakataong ito ang mga tauhan naman ng Maritime Police, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ilang media practitioner, Dauin police at Bantay Dagat, at iba pa, ang nagpatuloy sa pagdodokumento sa mga aktibidad ng blue whale.

Nagpadala rin ng grupo ang Silliman University Marine Laboratory (SUML) upang malapitang masilayan ang blue whale.

Nakiusap si Biglete sa mga local na opisyal at sa media na ipakalat ang mga impormasyon tungkol sa nasabing marine mammal na matatagpuan sa Negros Oriental at protektahan ito mula sa panganib, partikular na sa mga dumadaang barko at bangka.

Sinimulan na ni Biglete ang pagpapamigay ng flyers tungkol sa blue whale.

Ganito rin umano ang gagawin si Danny Ocampo na isang environmentalist at professional scuba diver. Magpapamigay siya ng flyers kalakip ang mga impormasyon tungkol sa blue whale at pati na rin sa kung anu-ano ang mga dapat gawin kapag nakakita nito.

Ipinahayag din si AA Yaptinchay ng Marine Wildlife Watch ang kanyang dalawang alalahanin, at ito ay ang: seguridad ng blue whale mula sa masasamang adhikain at ang pagsisiguro na hindi ito mabubulabog.