Ang Diverticulitis ay isang kondisyon na nakaaapekto sa digestive system. Ito ay nagiging sanhi ng problema sa bowel movements at maaaring maging sanhi ng matindi at pabigla-biglang sakit sa tiyan.

Mga sanhi

Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng diverticulosis at diverticulitis. Ang diverticulosis ay ang simpleng pagkakaroon ng diverticula, ang maliliit na “pocket” na maaaring tumubo saan mang bahagi ng digestive system, gaya ng bituka, lalamunan at sikmura o stomach.

Ang mga ito ay karaniwang tumutubo sa lower colon. Ang nag-iisang pocket ay tinatawag na diverticulum at kapag maraming pocket ay tinatawag namang diverticula.

Eleksyon

Kabataan Rep. Raoul Manuel, ibinahagi 3 wish ngayong eleksyon

Ang diverticula ay karaniwang tumutubo bilang pagtugon sa mahinang bahagi ng colon o iba pang parte ng digestive tract. Ang mga ito ay pangkaraniwan na, at karamihan sa mga taong nagtataglay nito ay hindi kailangang mabahala.

Nagkakaroon ng ganito ang isang tao kapag tumatanda na. Halos kalahati ng mga taong nasa edad 60 ay may diverticulosis, ayon sa U.S. National Library of Medicine.

Ang diverticulitis ay ang pamamaga at pagkakaroon ng impeksiyon sa mga pocket. “The severity of diverticulitis depends on how bad the inflammation or infection is,” pahayag ni Dr. Amitpal Johal, endoscopy director at associate director ng division of gastroenterology sa Geisinger Medical Center sa Danville, Pa.

“If a patient goes untreated, the infection and inflammation can progress to more serious complications like an abscess (large infection) and even bowel perforation (hole in the bowel).”

Mga sintomas

Ang karaniwang sintomas kapag mayroong diverticulitis ay matinding pananakit ng kaliwang bahagi ng sikmura. Maaari ring makaramdam ng pagkirot sa kanang bahagi, lalo na sa mga Asian descent, ayon sa Mayo Clinic.

Ang iba pang sintomas ang diverticulitis ay lagnat, pananakit ng tiyan, pagtatae, at pagsusuka.

Mga lunas

Bagamat madali lamang magamot ang iba’t ibang kaso ng diverticulitis at hindi naman gaanong mapanganib, may ilang kaso ito na malubha. Ang abdominal infection gaya ng diverticulitis ay karaniwang sanhi ng sepsis, ayon kay Dr. Niket Sonpal, assistant professor ng clinical medicine sa Touro College of Osteopathic Medicine, Harlem Campus. Ang malubhang diverticulitis ay maaaring maging sanhi ng bowel obstruction.

Ang malulubhang kaso ng diverticulitis ay kinakailangan masuri ng doktor. Maaaring magreseta ang mga doktor ng intravenous antibiotics o magsagawa ng operasyon upang tanggalin ang mga bitukang may impeksiyon.

Para naman sa hindi gaanong malalang diverticulitis, kinakailangan lamang baguhin ang mga kinakain at uminom ng antibiotics para sa diverticulum infection. (LiveScience.com)