BUTUAN CITY – Lumikas ang mga residente mula sa kabundukan ng Salay sa Misamis Oriental simula nitong Martes sa takot na maipit sila sa nagpapatuloy na labanan ng militar at mga rebelde sa lugar.

Batay sa huling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nasa 33 pamilya o 100 katao ang inilikas na sa isang barangay hall sa silangan ng Salay.

Agad namang nagkaloob ng ayuda ang pamahalaang panglalawigan sa pamahalaang bayan ng Salay para sa mga apektadong pamilya.

Bukod sa mga social worker, nagpadala rin ang PDRRMC ng mga doktor, nurse, at medical worker sa lugar para tulungan ang evacuees, na napaulat na dumaranas ng matinding trauma sa nangyari, ayon kay PDRRMC Head Francisco Dy.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Batay sa mga hindi nakumpirmang report na nakarating sa pamahalaang bayan ng Salay, dalawang sundalo ang nasugatan habang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa bakbakan ng NPA-Front Committee 14 at 58th Infantry Battallion sa Barangay Bunal sa Salay. (Mike U. Crismundo)