Umani na nang suporta ang pagkakasungkit ng Olympic berth ni Ian Lariba sa table tennis.

Sa kauna-unahang pagkakataon, isasagawa ang Gov. Cherry Umali at Mayor Panday Dizon Open Table Tennis Championship na may kabuuang P350,000 premyo sa Mayo 27-28, sa Guimba Nueva Ecija Gym.

Umabot na sa kabuuang 466 na kalahok mula sa iba’t ibang siyudad sa bansa na magsisimula ganap na 8:00 ng umaga matapos ang simpleng opening ceremony.

Inimbitahan bilang panauhing pandangal si Table Tennis Association of the Philippines (TATAP) president Ting Ledesma.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Nagkumpirmang sasali ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Navy, University of the Philippines, University of the East, Adamson U, University of Santo Tomas, Cebu, Batangas, Cavite, Pangasinan, Isabela, Vigan, Subic, Manila, Laguna, Tarlac, Makati, Angeles, Pampanga, Bulacan, Central Luzon State U, WU-P, CIC, Paralympics players of NCDA, Philippine Team, at Palarong Pambansa.

Paglalabanan ang anim na kategorya na Beginners na no age limit subalit para lamang sa nag-uumpisa pa lamang maglaro, (2) Provincial, (3) Regional (4) Palarong pambansa (5) Open Philippine team, at ang (6) Liha.

Ang maaagang makapagpaparehistro ay makakakuha ng diskuwento kung saan lahat ng kalahok ay libre sa pagkain at matutuluyan.

Ang magkakampeon sa Beginners ay makakatanggap ng premyong P8000.

Ang premyo para sa Palarong Pambansa category ay P30K sa kampeon, 2nd place P20k, 3rd P15k, at 4th place P10k na katulad din sa premyo sa Open Philippine Team at sa Liha. (Angie Oredo)