Naghabol sa kabuuan ng laro sina Princess Superal at Pauline del Rosario, ngunit nagawang makabawi ng dalawang Pinay sa krusyal na sandali para gapiin ang tambalan nina Madein Herr at Brynn Walker para makausad sa semi-finals ng US Women’s Amateur Four-Ball nitong Martes (Miyerkules sa Manila), sa Bowling Green, Florida.

Naisalpak ni Superal ang birdie shot sa layong 10 talampakan sa hole No.18 para panatilihing buhay ang kanilang kampanya ni del Rosario sa prestihiyosong torneo na nasa pangangasiwa ng USGA.

Nakaabante sina Herr at Walker mula sa naiskor na tatlong birdie sa limang hole sa back nine. Hindi naman nabalahibuhan ang Pinay tandem at nagawang makabawi sa krusyal na sandali hanggang sa final birdie putt ni Superal.

Sunod na makakaharap nina Superal at Del Rosario ang tambalan nina Angelina Kim at Brianna Navarrosa ng California, nagwagi kontra Katie Miller at Kristen Obush, 3 and 2.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naitabla ni Del Rosario ang laban nang ma-birdie ang par-3 No.16 ng Streamsong Resort golf club, bago ang birdie putt ni Superal sa final hole para kunin ang panalo.

Nasibak naman sa Round of 16 ang tambalan nina Pinay Sofia Chabon at Mikhaela Fortuna nang gapiin ng magkapatid na Nicole at Waverly Whiston, 3 and 2.