Inaasahan ng seven-man canvassing committee ng Kamara na maipoproklama na ang nanalong presidente at bise presidente sa ikalawang linggo ng Hunyo.

Sinabi nina Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali at Marikina City Rep. Miro Quimbo, kapwa miyembro ng panel mula sa House majority bloc na sinisikap nilang matiyak na hindi mababakante ang liderato ng bansa.

“We should definitely finish the canvassing by second week of June because we will adjourn on June 10,” ani Umali.

Aniya, hindi pa napagdedesisyunan ng panel kung kailan tatapusin ang canvassing, dahil may ilang isyu na maaaring sumulpot, partikular kung may mga kampong legal na kumuwestiyon sa pagsasagawa ng canvassing.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Nagsisilbing National Board of Canvassers (NBOC), sinimulan na kahapon ng Kamara at Senado ang canvassing sa mga boto para sa presidente at bise presidente. (Charissa M. Luci)