BAGAMAT lumisan na ang ama ni Paris Jackson, hindi niya ito maaaring kalimutan. Nitong Lunes, ang nag-iisang anak ni Michael Jackson ay nagpalagay ng bagong tattoo sa kanyang braso na hinango mula sa cover art ng Dangerous album ng huli noong 1991.   

“The meaning of life is contained in every single expression of life,“ paliwanag ni Paris kalakip ang Instagram shot ng artwork. “It is present in the infinity of forms and phenomena that exist in all of creation. Never forget your roots and always be proud of where you came from.”

Si Justin Lewis ng Timeless Tattoo sa Hollywood ang nag-tattoo kay Paris — ngunit ayon sa kanyang Instagram, hindi pa ito tapos.

“Tattoo I did today on Paris Jackson,” paglalarawan niya sa litratong kanyang ibinahagi. “Lots of love my friend, 1 more session to go, bit more shading. #wip.”

Pelikula

Hello, Love, Again natalbugan ang Rewind; netizens, nag-aaway sino bumitbit ng pelikula

Ito ang unang pagbibigay-pugay ni Paris sa kanyang yumaong ama sa pamamagitan ng body art. Anim na linggo na ang nakalilipas, ipinagdiwang niya ang kanyang ika-18 taong kaarawan sa pagpapalagay ng tattoo na may katagang “Queen of My Heart” na sulat kamay ni Michael sa kanyang pulso sa kanang kamay.

“To everyone else, he was the King of Pop,” paliwanag niya. “To me, well, he was the king of my heart.” At muli, si Justin Lewis din ang nag-tattoo sa kanya nito.

Binigyang-pugay din niya si Mötley Crüe sa pagpapa-tattoo ng “Motley” sa loob ng kanyang labi (ouch!) at maging ang kanyang lola, 85 taong gulang na si Katherine Jackson, sa matingkad na bulaklak na kulay asul sa kaliwa namang pulso.

“Kǎisèlín” for Grandma Katherine, done by the ink goddess herself @the tattooprincess. Love you, G-Ma,” pahayag ni Paris kalakip ang larawan ng kanyang tattoo at ang tattoo artist. (Yahoo News/Celebrity)