Pacquiao versus Bradley, WBO International Welterweight Championship title

Hindi na bago ang intensyon ni eight-time world boxing champion at Senador Manny Pacquiao na sumabak sa Olympics.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) first vice-president at Rio Olympics chef de mission Joey Romasanta, nagparamdam na nang interest si Pacquiao noong 2008 Beijing Games nang lumutang ang plano ng International Boxing Federation (AIBA) na ibukas ang sports sa pro boxers matapos makita ang tagumpay ng basketball, tennis, gayundin ang golf na muling lalaruin matapos ang mahabang taon sa Rio Olympics.

“All I know is that since 2008 pa nakipag-usap noon under the administration of PGMA si Pacquiao at first time siya na nagsabi na gusto talaga niyang sumali sa Olympics. Bakit naman hindi, but the thing is yung boxing association ang bahala diyan kung matutuloy nga ang plano ng IABA,” sambit ni Romasanta.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Magsasagawa ng special convention ang AIBA ngayong weekend sa Switzerland para amyendahan ang naturang rekomendasyon na buksan ang pintuan ng Olympics sa pro boxing.

Inamin ni Romasanta na lubhang mahirap para sa pro boxer ang pagbabalik sa amateur play sa sports dahil hindi lamang isang laban ang kanilang susuungin dito.

“Hindi mo rin mapipili ang kalaban mo diyan (Olympics), hindi katulad sa pro boxing napipili mo. It’s an entirely different world in the Olympics. But I’m very sure he would want to be an athlete and an Olympian as well,” pahayag ni Romasanta.

Inihayag mismo ng kampo ni Pacquiao ang direktang pakikipag-usap dito ni AIBA president Dr. Ching-Kuo Wu na naggagarantiya ng awtomatikong silya sa light welterweight category kung matutuloy ang pagpayag ng mga miyembrong bansa ng AIBA na isali ang mga propesyonal na boksingero.

Ipinaliwanag pa ni Romasanta na magiging kumpleto ang maiiwang pamana hindi lamang sa boxing kundi sa sports ni Pacquiao kung tuluyan niyang kakatawanin ang bansa at manalo ng medalyang ginto sa Rio na nakatakda sa Agosto 5-21.

“Alam naman natin iyan na makukumpleto ang legacy ng isang atleta kung matatawag na siyang Olympian o umabot na kinatawan ang kanyang bansa sa Olympics kapag dumating ang panahong nag-retiro na,” sabi ni Romasanta. (Angie Oredo)