Dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, Pasay City ang overseas Filipino worker (OFW) na si Jonard Langamin matapos makaligtas sa parusang bitay sa Saudi Arabia.
Umiiyak na sinalubong si Langamin, 32, dating seaman, ng kanyang mga magulang na sina Aling Edith at Mang Clemente, kasama si Blas Ople Policy Center president Susan “Toots” Ople sa nasabing paliparan.
Walong taon na nakulong si Langamin sa Damman Reformatory Jail dahil sa pagpatay sa kapwa Pinoy seaman na si Robertson Mendoza noong Nobyembre 2014. Pinalaya siya matapos lagdaan ng pamilya Mendoza ang “tanazul” o affidavit of forgiveness at magbayad ng P2 million blood money, sa tulong ni Vice President Jejomar Binay. (Bella Gamotea)