MIAMI (AP) — Kung may paghuhugutan ng katatagan ang Golden State Warriors, ito’y ang balikan ang pahina ng kasaysayan sa NBA.

Sa kabuuan, may siyam na koponan ang nakabangon at nagtagumpay mula sa 1-3 pagkakabaon sa best-of-seven series.

Kailangan matularan ito ng Warriors kung ayaw nilang mabasura ang makasaysayang 73-9 marka sa regular season at mapasama sa listahan ng “flopped” na koponan sa pro sports sa US.

Kailangan nila ang halik ng suwerte sa pagharap sa Oklahoma City Thunder sa Game 5 sa Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila) ng Western Conference best-of-seven finals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Narito ang listahan ng siyam na koponan na nakasalba sa bingit ng kabiguan:

(Boston vs. Philadelphia, 1968 East Finals)

Kayod marino ang Celtics para maipanalo ang dalawa sa huling tatlong laro sa road game. Naghahabol ang Boston sa 57-56 sa halftime ng Game 5 nang ilatag ang 38-23 run sa final period para mahila ang serye. Naisalba ng Celtics ang 40 puntos ni Hal Greer sa Game 6 at anim na player ang nakaiskor ng double digit para ipanalo ang Game 7. Sa NBA Finals, ginapi nila ang Los Angeles Lakers, 4-2.

(L.A. Lakers vs. Phoenix, 1970 West Semi-finals)

Kumubra ng tig-36 na puntos sina Wilt Chamberlain at Jerry West sa Game 5 para maitakas ang dikitang panalo.

Naghabol, ngunit nagwagi rin ang Lakers sa Game 6 bago dinomina ang karibal sa Game 7. Winalis ng Lakers ang Atlanta Hawks sa conference finals, ngunit naungusan ng New York Knicks sa NBA Finals, 4-3.

(Washington vs. San Antonio, 1979 East Finals)

Pinangunahan ni George Gervin ang malaking pagbangon ng Spurs sa Game 5, ngunit nagpakatatag ang Bullets, tampok ang 37 puntos ni Bobby Dandrige sa Game 7 para makausad sa NBA Finals, ngunit natalo sila sa Seattle SuperSonics, 4-1.

(Boston vs Philadelphia, 1981 East Finals)

Hindi malilimot ang pagbalikwas ng Celtics sa walong sunod na puntos sa huling 1:51 ng Game 5. Sa Game 6, naghabol ang Boston sa 17 puntos sa second quarter at 15 puntos tungo sa final period. Isa pang katulad na scoring run ang sinandigan ng Celts sa Game 7. Nakuha nila ang kampeonato nang ungusan ang Houston Rockets, 4-2.

(Houston vs Phoenix, 1995 West Semi-final)

Naisalpak ni Hakeem Olajuwon ang krusyal na basket para makuha ang panalo ng Rockets sa overtime sa Game 5. Sa Game 6, humataw si Olajuwon ng 30 puntos at sa Game 7, naisalpak ni Mario Elie ang three-pointer para selyuhan ang panalo ng Houston. Naungusan nila ang San Antonio, 4-2, bago winalis ang Orlando Magic sa NBA Finals.

(Miami vs New York, 1997 East Semi-finals)

Tinaguriang ‘The Fight’, ang duwelo ng Knicks at Heat sa Game 5 ay namulaklak ng multa at suspensiyon. Hindi nakalaro sina Patrick Ewing, Allan Houston at Charlie Ward sa Game 6, habang nasa bench lang sina Larry Johnson at John Starks sa Game 7. Ratsada si Tim Hardaway sa 38 puntos sa Miami sa sudden-death para sibakin ang Knicks. Natalo sila sa Chicago 4-1 sa East finals.

(Detroit vs Orlando, 2003 East Quarterfinals)

Nabitiwan ng top-seeded Pistons ang bentahe sa home court nang gapiin sila ng Magic, sa pangunguna ni Tracy McGrady. Ngunit, nagawang nilang makabawi sa mga sumunod na laro. Kumubra si Chauncey Billups ng 40 puntos sa Game 6 at tumipa ng 37 puntos sa Game 7. Tinalo ng Pistons ang Sixers, 4-2, sa East semis, bago nawalis ng New Jersey sa East finals.

(Phoenix vs L.A. Lakers, 2006 West Quarterfinals)

Naisalpak ni Kobe Bryant ang layup sa buzzer sa Game 4 para sa 3-1 bentahe ng Lakers, subalit naipanalo ng Suns ang huling tatlong laro para makausad. Umabot din sa Game 7 ang duwelo laban sa Los Angeles Clippers bago natalo sa Dallas, 4-2.

(Houston vs L.A. Clippers, 2015 West Semi-finals)

Nanalo ang Clippers sa Game 3 sa bentaheng 25 puntos at 33 puntos ang kalamangan sa Game 4 para sa 3-1 series.

Bumawi si James Harden para sa Houston sa 26 na puntos sa Game 5 at pinangunahan ang martsa ng Rockets sa Game 6.

Matikas na nakihamok ang Rockets para makausad sa West finals, ngunit tinalo sila ng Golden State, 4-1.