Si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo “politely turned down” ang alok ni incoming President Rodrigo Duterte na bigyan siya ng pardon, ngunit masaya sa inaasahan niyang malapit nang pagtatapos ng “persecution” sa kanya.

Sinabi ni Atty. Lorenzo Gadon, legal consultant ni Arroyo, na katanggap-tanggap ang pardon para sa kaso ng dating Pangulo na hindi nagkasala sa alinmang kasong iniuugnay dito kaugnay ng paggastos sa P366 milyon confidential at intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Gayunman, sinabi ni Gadon na positibo si Arroyo at ang pamilya nito na ang pag-aalok ng pardon ay isang senyales na magiging patas ang administrasyon ni Duterte, at matatapos na ang maling pagtrato sa kongresista.

“The case should be dismissed because she did not commit any crime and that she is innocent, there’s no iota of evidence that she committed plunder,” ani Gadon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Napaulat na inalok ni Duterte ng pardon si Arroyo, na naghihintay ngayon sa resolusyon tungkol sa iniaapelang house arrest, na nakabimbin sa Korte Suprema.

“The former president was elated, she knew that Digong was expressing his sympathy, but she said more than the pardon what she really wants is to be exonerated,” sabi ni Gadon.

Sa kanyang pangangampanya, nabanggit ni Duterte na kapag nanalo siya ay iuutos niya ang rebyu sa kasong plunder ni Arroyo, at inakusahan si Pangulong Aquino ng pagpapahirap sa dating Pangulo dahil sa personal na galit kaugnay ng kaso ng Hacienda Luisita.

Si Duterte ay itinalaga ni Arroyo bilang anti-crime czar noong presidente pa ng bansa ang huli. (Ben R. Rosario)