LONDON (AFP) – Sa halos isang buwan na lamang ang nalalabi bago ang mahalagang in-out EU referendum ng Britain, abala na ang finance district ng London sa paghahanda sa potensyal na ‘’Brexit’’.

Naghahanap ng mga paraan ang mga kumpanya para protektahan ang kanilang sarili sa market volatility sakaling iboto ng mga Briton ang ‘’Leave’’, sinabi ng mga eksperto.

Nagpahayag ang major players gaya ng HSBC at Deutsche Bank na maaaring ilipat nila ang kanilang mga aktibidad sa ibang bansa at pinalalakas ng Bank of England ang liquidity nito sa mga linggo bago ang referendum sa Hunyo 23 upang makaiwas sa credit crunch.

Kasunod ng EU exit, maaaring magbawas ang London ng 100,000 trabaho, ayon sa finance lobbyists na TheCityUK.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina