JASON Derulo is back on the market.
Ang singer, 26, at ang modelong si Daphne Joy — na unang namataang magkasama noong Nobyembre — ay naghiwalay na, kinumpirma ng tagapagsalita ng una sa People.
“It’s tough at times because I’m always on the road, but with modeling she’s more flexible than I am so she’ll come to some of my shows,” pahayag ni Derulo kamakailan sa People tungkol sa relasyon nila ni Joy, 29.
“She has an understated personality. I love that about her.”
Matatandaang nakarelasyon din ni Derulo si Jordin Sparks, ngunit naghiwalay sila noong 2014 pagkaraan ng tatlong taong pagsasama. Si Joy ay may 3 taong gulang na anak, si Sire, sa dating kasintahan na si 50 Cent. (People)