BEIJING (AFP) – Nagbabala ang Chinese state media sa Group of Seven nations nitong Huwebes na huwag makialam sa iringan sa South China Sea, sa pagtitipon ng mga lider ng bloc sa Japan.
Inilabas ang komentaryo kasabay ng pahayag ni European Council President Donald Tusk sa sidelines ng summit sa Ise-Shima na dapat magkaroon ng ‘’clear and tough stance’’ ang bloc sa kinukuwestiyong pag-aangkin ng China sa karagatan.
Nakasaad sa isang artikulo na inilathala ng official Xinhua news agency ng China na ang G7 -- na hindi isinama ang Beijing -- ‘’should mind its own business rather than pointing fingers at others’’.