Isusulong ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre ng taong ito.

Naniniwala si Comelec Chairman Andres Bautista na ang pagdaraos ng isa pang halalan ilang buwan matapos ang national and local elections nitong Mayo 9 ay maaaring magdulot ng “election fatigue” sa mga tao.

“The question is should we hold elections this soon right after the elections?” sabi ni Bautista. “There's also that election fatigue and that is what we don’t want (to happen).”

Ayon kay Bautista, ang pagdaraos ng manu-manong botohan sa mahigit 42,000 barangay sa bansa ay magiging magastos din.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

“Holding elections is expensive, mainly because we have to pay more teachers that will serve as Board of Election Tellers (BETs),” ani Bautista.

Dahil dito, sinabi ni Bautista na imumungkahi niya sa Kongreso na ipagpaliban na lang ang barangay elections.

(Leslie Ann G. Aquino)