ANG mga pinag-aagawang isla at bahura sa South China Sea ay may nakapagitang malawak na karagatan sa lupain ng Nigeria sa Africa.
Ngunit hindi ito nakapigil sa ginugulo ng mga paglalaban at halos buong disyertong bansa ng 17 milyong tao na dumagdag sa tumitinding diplomatikong alyansa na ayon sa Beijing ay sumusuporta sa pagtanggi nitong makibahagi sa pangdinig ng isang international tribunal kaugnay ng agawan sa teritoryo sa nasabing karagatan.
Kabilang sa mga kaisa sa katwirang ito ang Togo, Afghanistan, at Burundi.
Kasama sila sa panibagong kaalyado sa “a public relations war” ng China na layuning kuwestiyunin ang international maritime rules, ayon kay Ashley Townshend, mananaliksik sa United States Studies Centre sa University of Sydney.
Ang nasabing kaso, na idinulog ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa Hague, ay lubhang teknikal at nakabatay sa mga usapin kung paano binibigyang-kahulugan ng pandaigdigang batas ang “islands”.
Nakiisa na ang Nigeria sa “over 40 countries that have officially endorsed China’s position” na ang mga usaping nabanggit ay dapat na resolbahin sa pamamagitan ng direktang negosasyon, hindi sa mga pandaigdigang korte, ayon sa tagapagsalita ng Chinese foreign ministry na si Hua Chunying.
Ito, aniya, ay simula pa lamang: “There will be more and more countries and organisations supporting China.”
Ang mga kaparehong proklamasyon ay halos isa nang arawang ritwal sa mga media briefing ng Chinese foreign ministry sa nakalipas na mga araw, upang protektahan ang Beijing sa desisyon ng tribunal na ilalabas sa mga susunod na linggo at inaasahan nang hindi papabor sa China.
Inaangkin ng China ang halos buong South China Sea, batay sa segmented line na unang lumabas sa mga mapa ng China noong 1940s, at pinaninindigan ito laban sa mga kalapit-bansang umaangkin din sa ilang teritoryo ng karagatan.
Ngunit ang China ay saklaw din ng United Nations Convention on the Law of the Sea, na dumidinig sa kaso.
Inakusahan ng Pilipinas ang China ng paglabag sa kombensiyon at iginiit sa tribunal, na itinatag noong 1899, na desisyunan ang agawan sa teritoryo.
Una nang iginiit ng Beijing na walang hurisdiksiyon ang korte sa usapin, sinabing ang anumang pag-angkin sa teritoryo ay may bahid pulitika, kaya naman tumanggi itong makibahagi sa proseso.
“By cobbling together a group of nations that share its views, Beijing’s aim is to show that there is a genuine debate over the legality of the Philippines’ legal challenge,” paliwanag ni Townshend. “It is trying to build a counter-narrative to push back against the mainstream international consensus on maritime law.”
Bagamat tumanggi ang China na magbigay sa Agencé France Presse ng kumpletong listahan ng mga bansang sumusuporta rito sa usapin ng South China Sea, maliban sa pangunahin nitong kaalyansa na Russia ay mahihirap na bansa ang karamihan sa sinasabing kaisa ng Beijing sa pinaninindigan nito.
“While China has built odd coalition partners stretching from Russia to Mauritania and Venezuela to Gambia, the Philippines counts on support from the US, Japan, Australia, Britain and others, including respected global bodies like the EU and G7,” sabi ni Townshend.
Ang ruling, ayon kay Townshend, ay dedesisyunan ng mga hukom: “Neither side’s supporters have any bearing on the outcome.” (Agencé France Presse)