DATING binansagang Visayas Command at hango na rin sa dating pangalan nito, saklaw ng hukbo ang pangunahing pananagutan sa pagmamantine ng katahimikan at kaayusan sa buong Bisayas. Inatasan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa Central Command (Cent-Com), pinamumunuan ni Lt/General Nicanor Vivar, na pangalagaan ang gitnang teritoryo ng Pilipinas -- ang Bisayas, at kung kinakailangan, depensahan ito kontra sa mga kalaban ng batas, maging ito ay taga-loob o labas ng bansa. Kaakibat sa responsibilidad ng Central Command ang kahandaang umayuda sa mga Pamahalaang Lokal at sa mga kababayan natin, Cebuano, Ilonggo, Waray, at iba pa sa panahon ng kalamidad na tumatama tuwing tag-ulan.

Nasa ilalim ng liderato ni Lt. General Vivar, anak ng Bulakeño na nakatapos sa Philippine Military Academy Sandigan Class 1982, ang pinagsamang puwersa ng Philippine Air Force at Philippine Navy, liban pa sa katihan (Philippine Army) na naka-base sa punong Himpilan ng Cent-Com, sa Camp Lapu-Lapu, Cebu City, Camp Leon Kilat Tanjay Negros Oriental, at sa ilang pulo pa sa Bisayas.

Upang mas palawigin ang kakayanan at paigtingin ang kagalingan ng Cent-Com, ayon na rin sa tinaguriang AFP Transformation Road Map, pinangunahan ni Lt. General Vivar ang “Multi Sectoral Advisory Board”. Ito ay mga pili at ginagalang na personalidad mula sa iba’t ibang sektor, upang magsilbing tagapayo, tagamatyag, at nakatatandang kapatid, kumbaga, sa lahat ng mga plano at kilos ng Cent-Com.

Sila rin ang magsisilbing tulay sa pangkalahatang lipunan na pinagsisilbihan ng Cent-Com, sabay, siya ring sasalamin sa saloobin ng pangkaraniwang tao upang agarang makaabot sa tanggapan ng punong tagapag-utos. Tanda ito kung gaano kaseryoso si Lt. General Vivar na maisakatuparan ang “pang malayuang pananaw at pangarap” sa pagkakaroon ng isang epektibo at malakas na hukbo sa pag-inog ng panahon, hanggang sa makamtan ang ganap na layunin na maging kapani-paniwalang depensa ng republika.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ilan sa mga kasapi ng Advisory Board ng Cent-Com ay sina Chairman –Archbishop Jose Palma, George Aznar, Prof. Helen Solito, Nonoy Tirol, Minerva BC Newman, Vicente Colina, Edgar Detoya, Col. Clarence Martinez (Ret), Maria Dianne Rallon, Michael Mendoza, Olivia Luces, at Tyrone Tan. Mabuhay ang Cent-Com at ang mga bagong tagapayo nito! (Erik Espina)