Nananawagan ang Department of Health (DoH) sa mga magulang na may anak na babae na nasa edad 10 hanggang 12 taon na pabakunahan ang mga ito laban sa Human Papilloma Virus (HPV), ang sakit na nagdudulot ng cervical cancer.

Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Health Secretary Janette Garin na sa halip na magdusa dahil sa epekto ng HPV ay mas mainam na pabakunahan ang mga bata sa naturang edad dahil maaari namang maiwasan ang sakit.

Libreng ipinagkakaloob ang HPV vaccine sa lahat ng health center sa bansa sa ilalim ng National Immunization Program ng DoH.

Layunin ng programa na mailayo ang kababaihan, hindi lamang sa HPV kundi sa iba pang sakit tulad ng genital warts, at vaginal at anal cancer.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Batay sa datos ng DoH, ang cervical cancer ang pangalawa sa nangungunang sakit na ikinamamatay ng mga Pilipina sa bansa. (Mary Ann Santiago)