TAPOS na ang panahon ng tag-init. Gayunman, nagbabala ang isang dalubhasa laban sa pagbaha at pagguho ng lupa, inaasahan ang mas matinding buhos ng ulan sa mga susunod na buwan sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan ngayon linggo, ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA).
“People must avoid areas prone to flooding and landslides as we’ll likely experience much rainfall during 2016’s second half,” ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) senior weather specialist Anthony Lucero.
Pinaliwanag niya na ang southwest monsoon o “habagat” at tropical cyclones (TCs) ay ilan sa mga weather system na magdadala ng ulan sa ating bansa sa ikalawang bahagi ng buwan.
“Any of the eight to 17 TCs expected in the country then can be disastrous so people must prepare accordingly,” paalala niya.
Ang La Niña ay magdudulot ng mas maraming buhos ng ulan, pagpapatuloy ni Lucero.
Sa kabila ng unti-unting pag-ulan, sinabi ni Lucero na magpapatuloy pa rin ang El Niño phenomenon sa ilang bahagi ng bansa kung kaya’t patuloy pa ring makararanas ng kakulangan sa tubig.
Umaasa ang PAGASA na magtatagal hanggang Hulyo 2016 ang El Niño phenomenon.
Sa isang statement na inilabas nitong Martes, sinabi ni PAGASA Acting Administrator Dr. Vicente Malano na nag-uumpisa na ang panahon ng tag-ulan na iniuugnay sa “habagat”.
“Cloudy skies with scattered rains, particularly in the afternoon, are anticipated to continue in days ahead,” ani Manalo.
Gayunman, nilinaw ni Manalo na maaaring makaranas ang bansa ng pasalit-salit na pag-ulan sa mga susunod na araw.
“There are cloud clusters over most areas of the country and more are coming -- it’s a clear manifestation of the rainy season’s onset,” pahayag ni Lucero.