AUSTIN, Texas (AP) – Magsasampa ng kaso ang Texas at 10 pang estado laban sa administrasyong Obama kaugnay sa direktiba sa mga pampublikong paaralan sa U.S. na pahintulutan ang mga estudyanteng transgender na gumamit ng palikuran at locker room na tumutugma sa kanilang gender identity.

Kasama sa kaso na inihayag nitong Miyerkules ang Oklahoma, Alabama, Wisconsin, West Virginia, Tennessee, Maine, Arizona, Louisiana, Utah at Georgia. Ang hamon, na humihiling sa hukom na ideklarang illegal ang kautusan, ay kasunod ng federal directive ng U.S. Justice and Education Departments sa mga paaralan sa U.S. ngayong buwan na payagan ang mga estudyanteng transgender na gumamit ng mga palikuran at locker room ayon sa kanilang gender identity.

Iginiit ng reklamo na nakipagsabwatan ang Obama administration “to turn workplace and educational settings across the country into laboratories for a massive social experiment, flouting the democratic process, and running roughshod over commonsense policies protecting children and basic privacy rights.”

Wala pang komento ang White House sa multi-state lawsuit.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Una nang pagpahayag ang lieutenant governor ng Texas na handa ang estado na pakawalan ang $10 billion na ibibigay ng federal para sa edukasyon kaysa sumunod.