LOS ANGELES (AFP) – Umulan ng bato at bote sa rally ni Donald Trump New Mexico noong Martes, ang parehong araw na nagwagi ang bombastic billionaire sa Republican presidential primary sa Washington state.

Ngunit ang tagumpay ay nasapawan ng bayolenteng mga anti-Trump demonstration sa Albuquerque, New Mexico.

Sumiklab ang kaguluhan sa labas ng Trump rally nang maghagis ang mga nagpoprotesta ng nasusunog na mga t-shirt at bote sa mga pulis, at tinangkang pasukin ang convention center kung saan nagsasalita ang Republican candidate.

‘’Protestors are now throwing bottles and rocks at our Police Horses,’’ tweet ng Albuquerque police.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Gumamit ang mga pulis ang pepper spray at smoke bombs para buwagin ang mga nagpoprotesta, na ang ilan ay may bitbit na mga Mexican flag, at pinagmumura si Trump sa wikang Spanish.