SCOTLAND (AP) – Kung hindi lalayo ang mga lamok sa Rio Brazil, magagawang idaos ang nagbabalik na golf competition sa Olympics na wala ang mga pinakasikat at major champion.

Sa panayam ng BBC matapos magkampeon sa Irish Open, sinabi ni two-time major champion at dating world No.1 Rory McIlroy na atubili siya sa paglahok sa quadrennial games bunsod ng isyu sa Zika virus.

Ayon kay McIlroy, pinagplapanuhan na niya ang pagbuo ng sariling pamilya.

“I have to monitor that situation,” aniya.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Ang Zika virus na nakukuha sa lamok at naililipat din sa pamamagitan ng pakikipagtalik ay sinasabing sanhi sa pagkakaroon ng depekto sa bagong silang na sanggol.

Takot din ang nararamdaman umano ni Masters champion Danny Willett, kamakailan lamang ay nagsilang ang kanyang maybahay ng malusog na sanggol.

“It’s not great, is it? There’s going to be 500,000 people watching the Olympics, and you have 11,000 athletes right in the heart of where it’s at,” pahayag ni Willett.

“If it turns out that it would be a massive threat to myself or to Nic or to the little man, then I probably wouldn’t go. Family comes first.

“But as it stands at the minute, I think everything should be OK.”

Patuloy ang ginagawang programa ng organizer para masugpo ang naturang epidemya, habang puspusan ang ginagawang programa ng International Golf Federation para mapaalalahan at maturuan ng dapat gawin ang mga golfer na sasabak sa Rio Games.

Nauna nang umayaw na makiisa sa Olympics si three-time major champion Vijay Singh, gayundin si Australian No.2 Marc Leishman dahil sa pangamba sa naturang virus.

Muntik nang masawi ang maybahay ni Leishman dulot ng toxic shock syndrome sa nakalipas na taon at mababa pa umano ang immune system nito.

Kabilang din sa mga umatras sina major champion Adam Scott, Louis Oosthuizen at Charl Schwartzel.

Wala pang natutuklasang vaccine para labanan ang Zika virus.