LEA, BAMBOO AT SHARON copy

MULING tutulungan ng The Voice Kids ang mga bata at ang kanilang pamilya na matupad ang kanilang pangarap sa pagsisimula ng isa na namang kapana-panabik na season ngayong Sabado (Mayo 28) sa ABS-CBN.

Sa ikatlong season, muling hahanapin ang susunod na singing superstar sa sama-samang paggabay ng Broadway diva na si Lea Salonga, rock superstar na si Bamboo, at ang pinakabagong coach na si Megastar Sharon Cuneta.

“Our Top 4 last season was pretty crazy. It’s like, where do we go from here? Ngayon, umiikot kami for special kids na malaki ang potential na mag-improve. Parehas lang naman ang standard namin – you got to have something we can work with, at dapat makita namin na may potential ka na maging champion ng competition na ‘to,” sabi ni Coach Lea.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Susubukan naman ni Coach Bamboo na magkaroon ng back-to-back win matapos maipanalo ang pambatong si Elha Nympha noong nakaraang season.

“I’ll try. Hindi ko makokontrol ang mga bagay pero I’ll try my best. ‘Yun ang goal ko – to pull out the best from every child and see kung sinong aabot ng finals. Dito sa Pilipinas, madami tayong magagaling na singers. Pero rare ang bata o adult who can connect, na may puso at character,” pahayag ni Bamboo.

Ngunit hindi magpapatalo si Mega na determinado ring manalo sa kanyang unang season sa programa.

“Lahat ng tao sa mundo alam ang The Voice. It is prestigious. Ang maging parte lang ng family na ito, gives you a lot of extra points. Nagdadasal ako na manggagaling sa camp ko ang susunod na champ. Ibibigay ko talaga ang lahat ng meron ako – ang 38 years of experience ko.”

Ngayong Sabado, sisipa na ang blind auditions – unang yugto ng kumpetisyon – o ang pagharap sa coaches ang mga batang may natatanging talento sa pagkanta mula sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo.

“So far, may mga nakita na kaming magagaling at talented na boys and girls. They’re not just vocally wonderful but they’ve got some really interesting personalities, which have been entertaining for all of us in the studio,” saad ni Coach Lea.

Kitang-kita agad ang chemistry ng tatlong coaches sa kanilang sagutan at labanan para makuha ang artists na inikutan nila.

“I am so grateful to God for the chemistry. Hindi namin alam kung may ganoon nga sa aming tatlo hanggang nagsimula kaming mag-taping. Tumatawa ang audience, tumatawa kami, we have a lot of fun bantering. Ang sarap nung kasama mo dalawang super pros, experts, and icons. I am so honored to be in such great company,” sabi ni Sharon.

“It feels great. It feels at home. Ang sarap ng pakiramdam lalo na sa mga bata na nakuha ko recently. It’s been great and fun so far working with Sharon. It’s fun for me because it’s something different. It’s a change, and change is always good,” dagdag ni Bamboo.

Samantala, iho-host naman ang programa nina Luis Manzano, Robi Domingo, at ang pinakabagong boses na maririnig sa programa – ang chinita princess na si Kim Chiu.

Sa kanilang pagsasanib-puwersa, sama-sama rin nilang gagabayan ang young artists na sasalang sa kumpetisyon sa bawat hamong kanilang pagdadaanan upang maabot ang kanilang mga pangarap.

Abangan ang pagsisimula ng The Voice Kids Season 3 ngayong Sabado (Mayo 28) sa ABS-CBN.