Pinapurihan ng royal family ng Saudi Arabia si Pangulong Benigno Aquino III sa malakas na economic performance ng bansa at iba pang natamo sa ilalim ng administrasyon nito.

Ang pagbati ay ipinaabot ni Saudi Arabia Prince Alwaleed Bin Talal Bin Abdulaziz Al Saud sa courtesy call kay Pangulong Aquino sa Malacañang nitong Lunes ng hapon.

“According to Sec. Almendras, HRH Prince Alwaleed Bin Talal Bin Abdulaziz Al Saud congratulated President Aquino for the country’s pace setting economic growth achieved during the past six years,” pahayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr.

Si Prince Alwaleed ay apo ni King Abdulaziz Alsaud, ang tagapagtatag at unang ruler ng Saudi Arabia. Siya ay chairman at controlling shareholder ng Kingdom Holding Company, isang investment holding company sa Riyadh, Saudi Arabia. Siya rin ang may-ari ng Rotana, ang pinakamalaking entertainment company sa Arab World. (Genalyn Kabiling)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'