Sa pagkakataong ito, tuluyan nang masisibak sa tungkulin ang isang pulis, na na-AWOL (absent without official leave) dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga, matapos siyang mahulihan ng baril sa Oplan Lambat Sibat sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Ayon kay acting Caloocan City Police Chief Supt. Ferdinand Del Rosario, illegal possession of firearms at paglabag sa Omnibus Election Code ang kinakaharap ni PO2 Jacinto Summing, 40, nakatalaga sa Deparo Police.

Narekober sa suspek ang Beretta pistol (serial no. JM0426016) at isang magazine na kargado ng bala.

Sinabi ni Del Rosario na dakong 8:00 ng umaga nang magsagawa ng Oplan Lambat Sibat ang kanyang mga tauhan sa North Caloocan Police Station.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Napansin ng mga pulis ang nakabukol sa beywang ni Summing kaya sinita nila ito hanggang makumpiskahan ng baril.

Batay sa record, na-AWOL si Summing matapos masangkot sa ilegal na droga kamakailan. (Orly L. Barcala)