PGT 5 grand winner POWER DUO (2) copy

Pilipinas Got Talent na ginanap ang final showdown nitong nakaraang Linggo sa SM ANG acrobatic dance act na Power Duo ang tinanghal na grand winner sa ikalimang edisyon ngMall of Asia Arena.

Nakuha ng Power Duo na binubuo ng magkasintahang Anjanette at Garvin ng Angono, Rizal ang pinakamataas na combined votes mula sa publiko at judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda. Tinalo nila ang kasamahan sa top three na sina Amazing Pyra at Ody Sto. Domingo pumangalawa at pumangatlong puwesto naman, ayon sa pagkakasunod.

Bilang grand winner, nag-uwi ang Power Duo ng tumataginting na P2 milyon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Tinutukan ng sambayanan ang pagkilala sa ikalimang PGT grand winner kaya nanguna ito sa ratings nitong weekend.

Pumalo ang programa sa national TV ratings na 33.8% noong Sabado (May 21) kontra sa katapat na may 19.3% at 36.7% naman noong Linggo (May 22) kontra katapat na may 17.9%.

Hindi rin ito nagpahuli sa social media dahil back-to-back number one trending topics sa Twitter worldwide at nationwide ang official hashtags na #PGT5FinalShowdown at #PGT5GrandWinner.

Unang napansin ang Power Duo sa auditions nang sila ang mapili ni Robin bilang kanyang Golden Buzzer act na didiresto sa semi-finals. Sila ang pinakaunang dance act na nanalo sa Pilipinas Got Talent matapos ang apat na seasons na pawang singers ang nagwagi.

Ito ang ikalimang edisyon ng ABS-CBN sa hit franchise mula sa Fremantel Media. Simula nang ilunsad ito noong 2010, isa na ang PGT sa pinakamatagumpay na talent-reality show sa Philippine television.

Binabansagang reality talent show capital ng bansa ang Kapamilya Network dahil sa hindi matatawaran nitong kahusayan sa pag-adapt ng international formats. Bukod sa pagbabalik ng The Voice Kids at Pinoy Big Brother, nakatakda ring ipalabas sa ABS-CBN ngayong taon ang Pinoy versions ng pinakamalaking celebrity ballroom dancing competition na Dancing With The Stars at ang pinakamalaking search para sa susunod na Pinoy boy band na La Banda.