Umabot sa P9.22 milyon ang halaga ng mga kemikal sa paggawa ng shabu, gamit sa laboratory at drug paraphernalia na sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Valenzuela City, kahapon.

Ayon kay Glen J. Malapad, OIC ng PDEA Public Information Office, batay sa kautusan ng korte at pinangunahan ni PDEA Usec Director Gen. Arturo Cacdac, Jr., ganap na 9:30 ng umaga, ang pagsunog sa mga kumpiskadong precursor, mga mataas na uri ng kemikal, at mapanganib na droga sa planta ng Green Planet Management, Inc. (GPMI) sa Barangay Punturin, Valenzuela City.

Nabatid na sinira ng PDEA chemist, sa pamamagitan ng chemical treatment method, ang 5,042.82 litro ng mga likidong kemikal, tulad ng ethanol hydrochloric acid, hydrogen peroxide, xylene, acetone, sulfuric acid, at iba pa.

Ang mga laboratory equipment ay minaso at dinurog ng solidong bakal, kabilang ang mga beaker, metal cauldron, glass pipette, plastic container, metallic casserole, at disposable syringes. (Jun Fabon)

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!