Patay ang isang 26-anyos na lalaki na napaulat na uminom ng silver cleaner, ngunit habang naghihingalo ay hiniling na madala siya sa ospital, sa Novaliches, Quezon City.

Malinaw na huli na ang pagsisisi ni Arjay Mendoza, ng Upper Gulod Street, Barangay Sauyo, sa pag-inom niya ng kemikal dahil humingi siya ng saklolo bago tuluyang nawalan ng malay sa kanyang silid, dakong 9:30 ng gabi nitong Lunes.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), papatulog na ang landlord ni Mendoza na si Armando Mapanao nang marinig niya ang malakas na pangangalabog mula sa silid ng biktima sa ikalawang palapag.

Nang puntahan, nakita ni Mapanao si Mendoza na nakalupasay sa sahig, namimilipit sa sakit, at nagsabing, “Dalhin mo ‘ko sa ospital!”

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Gayunman, binawian din ng buhay si Mendoza sa Quezon City General Hospital dakong 11:25 ng gabing iyon.

Sinabi ni PO2 George Caculba na inaalam pa nila ang sanhi ng pagpapakamatay ni Mendoza. (Vanne Elaine Terrazola)