Miream_Difensor_10_Dungo,jr_280416 copy

Pinalawig ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang pagliban nito sa Senado dahil sa mahinang pangangatawan.

Sa kanyang liham kay Senate President Franklin Drilon, sinabi ni Santiago na nawawalan siya ng ganang kumain at nanghihina dahil sa epekto ng iniinom niyang gamot para sa sakit na cancer.

“This signifies that I shall continue on medical leave for cancer. One of the medications has produced a side effect of anorexia (inability to eat), which renders me physically and mentally weak.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“In any event, my staff and I shall be ready to vacate our offices by 30 June 2016,” saad sa bahagi ng liham ni Santiago.

Ang batikang senador, magtatapos ang termino sa Senado sa Hunyo 30, ay kasalukuyang chairperson ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Committee on Foreign Relations, Joint Congressional Oversight Committee on the Overseas Absentee Voting Act, Legislative Oversight Committee on the Visiting Forces Agreement. (Leonel Abasola)