Kanye copy

NAGSAMPA ng kaso ang isang kilalang Hungarian rock singer at composer laban kay Kanye West, na inakusahan sa paggamit sa isa sa mga sikat na komposisyon ng rock singer nang walang permiso.

Nakasaad sa reklamong inihain ni Gabor Presser nitong Biyernes ng gabi sa U.S. District Court sa Manhattan na ang one-third ng New Slaves, na laman ng No. 1 album na Yeezus, ay unauthorized copy ng Gyongyhaju Lany, 1969 song na kanyang isinulat noong panahong nasa Omega band pa siya.

Inilarawan ni Presser ang kanyang awitin, na kapag isinalin sa English ay “Pearls in Her Hair,”bilang “one of the most beloved pop songs ever in Hungary and across Eastern Europe.” Naniningil siya ng $2.5 million para sa copyright infringement.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi nagbigay ng komento ang abogado ni Kanye at co-defendant Sony/ATV Music Publishing LLC, na joint venture ng Sony Corp at ng estate ni Michael Jackson.

“Kanye West knowingly and intentionally misappropriated plaintiff’s composition,” nakasaad sa reklamo. “After his theft was discovered, defendants refused to deal fairly with plaintiff.”

Karaniwan na sa mga sikat na mang-aawit na maakusahang nangongopya sa ibang mga kompositor. Halimbawa, sa isa pang kaso, humarap sa paglilitis ang Led Zeppelin lead singer na si Robert Plant at gitaristang si Jimmy Page noong Hunyo 14 sa Los Angeles dahil sa paggamit umano ng opening chords para sa kanilang 1971 classic Stairway to Heaven mula sa isang 1967 instrumental. (Reuters)